^

Probinsiya

P10.8 milyong smuggled na yosi nasabat, 6 arestado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa P10.8 milyon halaga ng puslit na sigarilyo ang nasamsam ng mga awtoridad sa nasabat na anim na lalaki nitong Biyernes sa Yllana Bay area sa Pagadian City.

Ayon kay Maj. Benzar Mukarram, Zamboanga del Sur Maritime Police chief, nasa halos 190 master cases ng kontrabandong sigaril­yo ang lulan ng moto­rized banca kung saan anim na kalalakihan ang dinakip.

Sinabi ni Mukarram na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa transportasyon ng mga puslit na sigarilyo kaya agad silang rumes­ponde sa naturang lugar.

Nagpakilala pang mga residente ng Zamboanga City ang anim na dinakip na hindi pa pinangalanan, subalit hindi nagsalita nang tanungin kung saan nagmula ang mga sigarilyo at saan ang destinasyon ng mga ito.

Nasa kustodya na ng Zamboanga del Sur Maritime Police Station ang anim na nadakip, kasama ang mga puslit na sigarilyo at ang motorized banca, at itu-turnover sa Bureau of Customs ang mga ebidensya, ayon kay Mukarram.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act o Republic Act No. 10863 ang anim na suspek.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with