Dayong ‘tulak’, babae huli sa P.54 milyong shabu
CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Mahigit sa kalahating milyon pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang dayong lalaki na tulak umano ng droga at sa kasabwat nitong babae sa isinagawang drug buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Manacnac, sa lungsod ng Palayan ng lalawigang ito, kahapon ng madaling-araw.
Ayon sa Palayan City Police, kanilang inaresto ang isang 45-anyos na lalaki, binata ng Barangay Comillas, La Paz, Tarlac, at ang 35-anyos na babae ng Barangay South Poblacion, Gabaldon, NE, matapos na mabilhan ang dalawa ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ng police agent na poseur buyer, bandang alas-12:30 ng madaling-araw ng Sabado.
Nang kapkapan umano ang dalawang suspek ay nakuhanan sila ng tatlong piraso ng knot tied transparent plastic ng hinihinalang shabu at 3-heat sealed transparent plastic sachet na may laman din umanong shabu na agad kinumpiska ng pulisya.
Nasa humigit-kumulang sa 80 gramo na may standard drug price na P544,000 ang nasamsam ng awtoridad sa dalawang suspek. Nakumpiska rin ang 2-unit ng Android cellphone, isang black sling bag at isang black Yamaha Nmax motorcycle na may plate number 682 CJR.
- Latest