^

Probinsiya

11 teroristang Daulah Islamiyah-Turaife, sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dumanas ng panibagong dagok ang Daulah Islamiyah-Turaife Group (DI-TG) terrorists kasunod ng pagsuko sa tropa ng militar ng labing-isa nitong miyembro sa Brgy. Buayan, Datu Piang, Maguindanao, ayon sa opisyal nitong Sabado.

Sa report ni Lt. Gen. William Gonzales, Commander ng AFP-Western Mindanao Command, isinurender rin ng mga lokal na terorista ang pitong matataas na kalibre ng armas ng mga ito at apat na maiikling kalibre ng baril.

Kabilang sa mga isinuko ay isang Bushmaster rifle, tatlong 40 MM M79 grenade launchers, isang cal .30 sniper rifle, isang 60 MM mortar, isang 7.62 MM sniper rifle, dalawang 9 MM Uzi, isang cal. 45 pistol at isang cal. 38 revolver.

Ang naturang mga terorista na sumurender kamakalawa sa mga kasapi ng Army’s 6th Infantry Battalion (IB) ay kabilang sa nalalabing miyembro ng DI-TG na namumugad sa Maguin­danao del Sur.

Inihayag ni Gonzales na ang mga nagsisukong terorista ay kanilang ipapa-enrol sa AGILA- Haven Program ng lokal na pamahalaan sa Maguindanao del Sur, isa itong platfrom  para mabigyan ng oportunidad ang mga nagsisukong kalaban ng estado na mapagbagumbuhay at magkaroon ng mun­ting kabuhayan.

AFP

DAULAH ISLAMIYAH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with