^

Probinsiya

Janitor sinisante, iskul na pinagtrabahuhan sinunog!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Janitor sinisante, iskul na pinagtrabahuhan sinunog!
Nagmistulang “inferno” ang Ylagan St., San Carlos City sa Negros Occidental matapos sunugin ng isang janitor na tinanggal sa trabaho ang Daisy’s ABC School at nadamay na natupok ang bahay ng kanilang mayor nitong Hunyo 14.
Courtesy: Rali Deogracias/FB

Nahuling naninigarilyo sa campus

MANILA, Philippines — Nahaharap sa kasong arson ang isang janitor matapos na lumutang sa pulisya at umamin sa ginawang pagsunog sa paaralan na kanyang pinapasukan nang malamang sinisante na siya sa trabaho, na ikinadamay ng bahay ng mayor sa San Carlos City, Negros Occidental.

Kinilala ng San Carlos City Police ang suspek na si Recho Cabales, 58-anyos.

Ayon kay San Carlos PLt. Col. Nazer Canja, nagalit nang husto si Cabales nang malamang tinanggal na siya bilang janitor sa pinagtatrabahuhan sa Daisy’s ABC School na epektibo nitong Hunyo 15 matapos siyang mahuli na naninigarilyo umano sa loob ng campus.

Dahil dito, nitong Hunyo 14, bumili ng gasolina ang suspek at inilagay sa stockroom ng paaralan saka sinilaban gamit ang may sinding kandila.

Sa mga kuha sa video sa social media, mabilis na kumalat ang napakalaking sunog at natupok ang buong school kung saan walang nagawa ang mangilan-ngilang pamatay-sunog na rumesponde sa lugar.

Nadamay na nilamon ng apoy ang ancestral house ni San Carlos City Mayor Renato Gustilo na wala sa kanyang tahanan nang maganap ang insidente, at maging ang historic business building na pag-aari naman ng kanyang lolo na katabi lang ng nasabing paaralan sa Ylagan Street.

Matapos ang mala-inferno na sunog, sumuko ang suspek nang makunsensya umano at inamin sa awtoridad ang  ginawang krimen.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with