^

Probinsiya

100 bahay para sa informal settlers sa Davao de Oro, itatayo – NHA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 100 na bahay ang takdang ipatayo ng National Housing Auhtority (NHA) para sa mga informal settler families (ISFs) ng Pantukan sa Davao de Oro.

Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, ang unang bahagi ng pondo na may halagang P15 milyon na naipagkaloob na para rito ay mula sa P25 milyong kabuuang budget para sa pagtatayo ng Bagong Pantukan Village sa naturang lugar.

Aniya, nais ng ahensiya na magkaroon ng sariling matitirhang bahay ang naturang ISFs at magkaroon ng panimula sa bagong buhay alinsunod sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 Ang BP Village ay sakop ng programa ng NHA na Resettlement Assistance Program to Local Government Units (RAP-LGU) na layuning magbigay ng pinansyal at teknikal na tulong sa mga LGUs sa implementasyon ng kanilang mga programa sa urban development at housing.

 Matatagpuan sa Brgy. Kingking, Pantukan, ang 4.4 ektaryang lupain ay inaasahang mapagtatayuan ng 100 pabahay para sa mga ISFs na nanini­rahan sa mga delikadong lugar, mga maaapektuhan ng mga proyektong pang-imprastruktura ng pamahalaang bayan, mga pamilyang may kautusan ng hukuman para sa pagpapaalis, at yaong mga kwalipikado sa tulong-relokasyon at resettlement sa ilalim ng Republic Act (RA) 7279 o ang Urban Development and Housing Act.

NHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with