Business permit sa 6 LGUs sa Mindanao, pabibilisin na sa eBoss
MANILA, Philippines — Higit pang paiigtingin ng anim na lokal na pamahalaan sa Mindanao ang pagkakaloob ng business permit ng mga lokalidad.
Ito ay makaraang ipatupad ng Local Government Units (LGUs) ng Davao City, General Santos City, Malaybalay City, Tagoloan, El Salvador City, at Dapitan City sa Mindanao sa pagkakaroon ng Eectronic Business One-Stop Shops (eBOSS) na magpapabilis sa renewal at aplikasyon ng business permits sa mga lokalidad katulong ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Trade and Industry (DTI), at Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Ayon sa ARTA, ang LGUs nationwide ay binibigyan ng eBOSS certificate of commendation na nagpapatunay na may mabilis at epesyenteng pagkakaloob ng serbisyo sa pagrerehistro ng negosyo sa mga lokalidad sa bansa.
Binigyang diin ni ARTA Secretary Ernesto V. Perez na malaking tulong ang eBOSS sa bawat LGUs upang mapagaan at mapabilis ang pagkakaloob ng serbisyo sa nasasakupang mamamayan at may malaking tulong na mapaunlad ang ekonomiya ng bawat komunidad sa bansa.
- Latest