^

Probinsiya

Tandem umatake sa Bulacan: 2 todas, bebot kritikal

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Tandem umatake sa Bulacan: 2 todas, bebot kritikal
Sa ipinadalang ulat ng San Jose del Monte City Police kay PCol. Relly Arnedo, Bulacan police director, kinilala ang dalawang nasawi na sina Benedictoe Castulo, 63-anyos at Joel Nicolas, 46, kapwa ng Purok 6 ng nasabing barangay.
STAR/File

CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan, Philippines — Dalawa ang kumpirmadong patay kabilang ang isang senior citizen habang isang babae ang malubhang nasugatan matapos na umatake at walang habas na namaril ang riding-in-tandem sa Purok 6, Brgy. Isidro ng nasabing siyudad kahapon ng umaga.

Sa ipinadalang ulat ng San Jose del Monte City Police kay PCol. Relly Arnedo, Bulacan police director, kinilala ang dalawang nasawi na sina Benedictoe Castulo, 63-anyos at Joel Nicolas, 46, kapwa ng Purok 6 ng nasabing barangay.

Inoobserbahan naman sa ospital ang kanilang kasamahang babae na si Charry Fe Castulo, 57, ng nasabi ring barangay.

Sa inisyal na imbes tigasyon, dakong alas-5:50 ng umaga, habang nagkukuwentuhan ang mga biktima nang dumating ang dalawang lalaki na nakasuot ng itim na jacket at bigla na lamang silang pinaulanan ng bala ng kalibre 45 baril. 

Dead-on-the-spot ang dalawang biktima habang agad na isinugod sa pagamutan ang sugatang si Charry.

Pagkatapos ng pamamaril, mabilis na tumakas ang dalawang suspek sakay ng ‘di pa matukoy na motorsiklo papunta sa direksyon ng Barangay Paradise sa nasabing siyudad.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang dalawang suspek habang patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pamamaril sa mga biktima na ikinasawi ng dalawa.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with