^

Probinsiya

Misis, 10 beses sinaksak ni mister sa selos!

Cristina Timbang, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Misis, 10 beses sinaksak ni mister sa selos!
Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktima na kinilala sa alyas na “Elsa”, nasa hustong gulang at residente ng nasabing bayan bunsod ng tinamong hindi bababa sa 10 saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang ginang matapos na tadtarin ng saksak ng kanyang kinakasama sa gitna ng kanilang pagtatalo dahil sa sobrang selos sa loob ng kanilang tahanan sa Binangonan, Rizal kama­kalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktima na kinilala sa alyas na “Elsa”, nasa hustong gulang at residente ng nasabing bayan bunsod ng tinamong hindi bababa sa 10 saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Tumakas naman ang suspek na kinilala sa alyas na “Fernando”, live-in partner ng biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-11:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng mag-live in partner.

Nagtatalo umano ang mag-partner hinggil sa pagseselos ng suspek hanggang sa maburyong ang huli at kinuha nito ang kanyang balisong at inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong murder.

vuukle comment

ELSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with