^

Probinsiya

Rider at angkas todas sa bus

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Rider at angkas todas sa bus
Kinilala ang mga nasawi na sina Jo Pazuela, 27, rider, residente ng Brgy.Peñafrancia Avenue at angkas na si Marie Val, 35, ng Brgy.San Felipe, kapwa ng Naga City.
STAR/File

BULA, Camarines Sur, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang motorcycle rider at kanyang angkas matapos mabangga nang nag-overtake na bus sa kahabaan ng Maharlika National Highway ng Zone-5, Brgy. Pawili, Bula, Camarines Sur ka­makalawa ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jo Pazuela, 27, rider, residente ng Brgy.Peñafrancia Avenue at angkas na si Marie Val, 35, ng Brgy.San Felipe, kapwa ng Naga City.

Sa ulat, alas-7:15 ng umaga ay mabilis na binabagtas ang kahabaan ng highway ng Grandbird Bus Lines (ABG-1798) na minamaneho ni Spensher Edroso, 28, residente ng Brgy. Sto.Domingo, Iriga City.

Gayunman, pagdating sa lugar ay sinubukan ng bus na mag-overtake sa sinusundang trak dahilan para maokupa nito ang linya ng kasalubong na motorsiklo (422-QVH) ng mga biktima at nasalpok.

Sa lakas ng pagkakabangga nawasak ang kanan at unahang bahagi ng bus at pumailalim pa ang motorsiklo habang tumalsik sa sementadong kalsada ang mga biktima.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng MDRRMO-Bula at isinugod sa pagamutan ang duguan at walang mga malay na biktima pero pareho silang idineklarang patay.

Kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang kinahaharap na kaso ng driver ng bus na nasa kostudya na ng mga pulis.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with