^

Probinsiya

PDEA sinunog P9.1-B halaga ng shabu, marijuana sa Cavite

James Relativo - Philstar.com
PDEA sinunog P9.1-B halaga ng shabu, marijuana sa Cavite
Litrato ng mga iligal na droga habang ipinapasok sa incinerator bago sunigin
Released/Philippine Drug Enforcement Agency

MANILA, Philippines — Sinira ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bilyun-bilyong halaga ng iligal na droga, kabilang na rito ang big-time shabu seizure kamakailan sa Alitagtag, Batangas.

Gamit ang isang "incinerator," winasak ng PDEA ngayong Huwebes ang P9.1 bilyong halaga ng narcotics sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI), Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite.

"The destroyed stockpile of illegal drugs had a total weight of 2,435,619.8626 grams," paliwanag ng PDEA sa isang pahayag.

"Majority of the illegal drugs destroyed were 1,293,934.2149 grams of Methamphetamine Hydrochloride, or Shabu; 720,898.6564 grams of Marijuana; and 359,752.1449 grams of Ephedrine."

 

 

Kabilang sa winasak ang nasa 1.2 tonelada ng shabu na nasabat sa isang chekpoint operation noong ika-15 ng Abril sa Barangay Barangay Pinagkurusan, Alitagtag, Batangas.

Ang mga sinunog na droga ay nakumpiska mula sa iba't ibang operasyon ng PDEA, Philippine National Police, National Bureau of Investigation atbp. counterpart law enforcement at military units. Sinasabing "hindi na kailangan" bilang ebidensya sa korte ang mga nabanggit.

Paliwanag pa ng PDEA, agad-agad na sinira ang mga nabanggit dahil sa "mabilis na prosecution at disposition" ng mga kaso.

"The pieces of drug evidence were destroyed through thermal decomposition or thermolysis," sambit pa ng ahensya pagsira nila sa mga nabanggit.

"Exposed to temperatures of over 1,000 degrees centigrade, all dangerous drugs were completely decomposed or broken down, and are impossible to reconstitute."

'Canadian suspek sa likod ng drug haul'

Una nang tinukoy ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Canadian na si Thomas Gordon O’Quinn "major player" sa pagpuslit diumano ng bilyun-bilyong halagang shabu shipment sa Batangas.

Kilala rin ang banyaga sa pangalang James Toby Martin, na siyang nahuli ng intelligence operatives ng National Capital Region Police Office, Calabarzon police at Bureau of Immigration sa isang spa sa Tagaytay noong ika-16 ng Mayo.

vuukle comment

MARIJUANA

METH

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with