^

Probinsiya

'Lahar' binalot mga kalsada, estero ng Negros matapos Kanlaon erruption

James Relativo - Philstar.com
'Lahar' binalot mga kalsada, estero ng Negros matapos Kanlaon erruption
Makikitang naglalakad sa volcanic mudflow o "lahar" ang isang residente ng La Castellana, Negros Occidental, ika-5 ng Hunyo, 2024
Mt. Kanla-on Natural Park/Released

MANILA, Philippines — Naiwang hindi madaanan ang ilang kalsada sa Negros Occidental ngayong Miyerkules matapos ang pag-agos ng volcanic material mula sa nakaraang pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Sa ilang paskil ng Mt. Kanla-on Natural Park, makikita ang pag-agos ng lahar sa Ibid Creek at Tamburong Bridge, bagay na matatagpuan sa Barangay Biaknabato, La Castellana, Negros Occidental.

"Hindi na madadaanan ang kalsada," sabi ng Facebook page ng Mt. Kanla-on Natural Park sa Bisaya ngayong hapon.

 

 

Umabot ang kulay gray na putik ay umabot hanggang sa kalsada, dahilan para mapilitang maglakad nang nakayapak ang ilang mga residente.

Makikita ring nakalubog sa lahar ang ilang motorsiklo at tricycle.

 

 

Tumutukoy ang lahar o "volcanic mudflows" sa semi-liquid sediments, debris at tubig na dumadausdos pababa ng bulkan sa pamamagitan ng mga ilog atbp. anyong tubig.

Kadalasan itong nangyayari dahil sa malakas na pag-ulan matapos ang isang volcanic eruption.

Lunes lang nang ipagbawal ng Office of the Protected Area Superintendent ng Mt. Kanlaon Natural Park ang mga trekking, recreational at camping activities sa loob ng 4-6 kilometerong danger zone at ecotourism sites nito.

Hindi rin pinahihintulutan ng Phivolcs ang paglipad ng anumang eroplano malapit sa tuktok ng bulkan.

Nagbabala rin ang state volcanologists tungkol sa posibilidad ng steam o phreatic explosions lalo na't nasa ilalim pa rin ng Alert Level 2 ang Kanlaon.

CREEK

KANLAON

LAHAR

VOLCANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with