^

Probinsiya

Aso kinatay, hinanda sa graduation party; amo kinasuhan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Aso kinatay, hinanda sa graduation party; amo kinasuhan
Image shows stray dogs.
Image by Igor Ovsyannykov from Pixabay

MANILA, Philippines — Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act ang isang lalaki na kumatay sa kanyang sariling aso upang ihanda sa graduation party sa Baguio City.

Nabatid na isang residenteng saksi ang kumuha ng video habang ginigilitan ng lalaki ang kanyang alagang aso habang nakatali sa harap ng jeepney.

Ayon sa saksi, pinost niya ang video dahil sa labis niyang panlulumo sa sinapit ng aso at upang papanagutin ang amo.

Lumabas sa imbestigasyon ng Biyaya Animal Care, kinatay ng lalaki ang kanyang aso para ihain umano sa graduation party ng isang pamilya sa kanilang lugar.

Ang saksi at si Rina Ortiz, CEO ng Biyaya Animal Care, isang animal rights group ang naghain ng nasabing reklamo laban sa lalaki sa Prosecutor’s Office ng lunsgod.

Kapag napatunayang nagkasala, maaaring mapatawan ang lalaki ng dalawang taong pagkabilanggo at P100,000 na multa.

DOG MEAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with