Pagtugis kay Quiboloy, tuloy - Davao City COP
MANILA, Philippines — Tiniyak ng bagong chief of police (COP) ng Davao City na tuloy ang kanilang pagtugis at gagawing pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy.
Ayon kay Police Col. Rolindo Suguilon, sakaling makakuha sila ng impormasyon sa kinaroroonan ni Quiboloy, agad naman nila itong tutunguhin at aarestuhin.
Sa katunayan, may tracker team umano mula sa Calinan Police Station at Sasa Police Station na magmamanman sa ilang mga lugar na pagmamay-ari ni Quiboloy.
Maging ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa Southeastern Mindanao region ay patuloy sa kanilang manhunt operation laban kay Quiboloy.
Magugunitang naglabas ng kautusan ang Korte Suprema na ilipat na sa Quezon City Regional Trial Court ang sexual abuse case ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader mula sa dating Davao City Regional Trial Court.
Ito’y upang mabigyan ng proteksiyon ang mga biktima, ayon sa Department of Justice.
“Iyong next step po within three days, kailangan po i-transfer lahat ng records na galing Davao City sa executive judge ng Quezon City, and ang dinirect ng Supreme Court ay kailangan i-raffle agad ng executive judge natin sa Quezon City sa isa sa mga judges sa Quezon City,” ani DOJ Spokesperson Mico Clavano.
- Latest