DSWD nakaalerto kay ‘Aghon’, food packs inihanda na
MANILA, Philippines — Inatasan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang lahat ng DSWD field offices ng ahensiya na magsagawa ng mabilisang imbentaryo ng mga family food packs partikular sa mga lugar na inaasahang dadaanan ng Tropical Depression (TD) Aghon.
Partikular na pinaghahanda ng DSWD ang Field Offices ng Eastern Visayas, Bicol at Caraga na inaasahang hahagupitin ng bagyong Aghon.
Kaugnay nito, sinabi ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao na nakahanda na ang may P189 milyong halaga ng food packs sa mga lugar na apektado ng bagyo.
“The DSWD Field Office 8 (Eastern Visayas) has a stockpile of 11,363 boxes of FFPs while the CARAGA Regional Office has 32,000 FFPs prepositioned in Surigao del Norte and the Dinagat Islands,” ayon kay Dumlao.
Anya may 199,000 boxes ng FFPs ang kasalukuyang nakalagak sa National Resource and Logistics Management Bureau’s (NLRMB) National Resource Operations Center (NROC) sa Pasay City habang 60,237 FFPs naman ang nakaimbak sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC) sa Cebu City para ipamahagi sa mga mabibiktima ng bagyo.

Angie dela Cruz

- Latest