15-anyos ginahasa, mukha binagsakan ng bato!
Suspek nang-agaw ng baril, utas sa pulis
MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ang isang 15-anyos na dalagita na pinaniniwalaang ginahasa at binagsakan ng bato ang mukha ng suspek na miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa Brgy. Sumbac, Kidapawan City, Cotabato Province, ayon sa ulat kahapon.
Wasak ang bahagi ng mukha at halos hindi na makilala ang biktimang si alyas Dawn nang matagpuan sa tabi ng ilog nitong Lunes.
Lumabas sa imbestigasyon ng Kidapawan City Police na ang suspek ay si Eric Lim, miyembro ng BPAT sa kanilang lugar, ay napatay naman matapos umanong manlaban sa mga awtoridad na umaresto sa kanya.
Inamin umano ng suspek ang krimen at habang nakaposas na naglalakad patungong presinto, bigla siyang nang-agaw ng baril kaya pinaputukan na ng mga pulis na kanyang ikinabulagta.
- Latest