2 pulis dawit sa pagpatay sa P/Capt., AWOL na – PNP
MANILA, Philippines — Itinuturing nang AWOL (absent without official leave) ang dalawang pulis na sangkot sa pagpaslang kay Capt. Rolando Moralde sa Parang, Maguindanao del Norte matapos na mabigong magreport sa PNP- Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR).
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, idineklara nang AWOL sina Master Sergeants Aladdin Ramalan at Shariff Balading simula nitong Huwebes.
“Pinadalhan sila ng return to work order noong Monday at maliban doon ay may inilabas na order si RD (Regional Director) for the restrictive custody nitong dalawang pulis and yet they are failed to report based sa ating existing rules after three days if any personnel who are required to physical report for work and failed to report then they will be declared AWOL,” ani Fajardo.
Patuloy din aniyang minomonitor ang posibleng kinaroroonan ng dalawang pulis.
Nabatid kay Fajardo na naghain ang PRO-BAR sa pamamagitan ng kanilang regional legal officer ng “omnibus motion for reconsideration of inhibition” sa associate provincial prosecutor matapos na palayain ang dalawang pulis noong Mayo 8.
Bineberipika nila ang report na ang naturang provincial prosecutor ay kamag-anak ng dalawang pulis kaya napalaya.
“‘Yung public prosecutor particularly yung associate public prosecutor, we have reasonable ground to believe na meron conflict of interest dahil ‘yung kanyang asawa ay possibly are related by affinity doon sa two police suspects,” dagdag ni Fajardo.
Aniya, posible ring ilipat ang kaso sa Metro Manila, gayundin ang pagsasampa ng kaso laban sa associate pronvincial prosecutor.
- Latest