^

Probinsiya

Libong katutubong Blaan, naserbisyuhan sa medical mission

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Libong katutubong Blaan, naserbisyuhan sa medical mission
Malaking bilang ng mga mga katutubong Blaan ang nabiyayaan sa isinagawang medical outreach mission ng mga barangay officials ng Kimlawis sa Kiblawan, Davao del Sur at ng isang priba­dong kumpanya kahapon.
John Unson

KORONADAL CITY, Philippines — Halos 1,000 na mahihirap na kasapi ng tribong Blaan ang nagkabiyaya sa isang medical mission kamakalawa ng magkasanib na local government unit ng Kiblawan sa Davao del Sur at isang mining company na nakatakda nang magmina ng copper at gold sa South Cotabato sa susunod na taon.

Sa ulat nitong Lunes ng umaga ng mga himpilan ng radyo sa mga lungsod ng Kidapawan, Gene­ral Santos at Koronadal, kinumpirma ng ilang local officials ng Kiblawan, kabilang sa kanila si Mayor Joel Calma, na marami sa mga nabiyayaan sa naturang medical mission sa Kimlawis, katuwang ng mga barangay officials at kawani ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI), ay mga matatandang Blaan at mga batang may iba’t ibang karamdaman.

Nakatakda nang isagawa ng SMI ang mining operations, sa pahintulot ng national government, ng central office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at ng mga Blaan tribal councils, ang Tampakan-Copper Gold Project sa Tampakan, South Cotabato kung saan mayroong tinata­yang US$200 million na halaga ng copper at gold deposits sa mga Blaan ancestral lands sa natu­rang bayan.

Sakop ng magiging operasyon ng Tampakan-Copper Gold Project sa Tampakan, 16 kilometro lang ang layo sa Koronadal City na siyang kabisera ng South Cotabato, ang ilang mga barangay sa Kiblawan at sa mga bayan ng Columbio at Malungon, Sultan Kudarat at sa Sarangani.

vuukle comment

MEDICAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with