^

Probinsiya

Motorcycle rider, todas sa ambush

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang rider makaraang barilin sa ulo ng ‘di nakilalang suspek habang sakay ng kaniyang motorsiklo at bumabagtas sa highway ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-2:43 ng hapon nang maganap ang pananambang habang ang biktima na kinilala sa alyas “Miguel”, nasa hustong gulang,  ay sakay ng kaniyang Honda Beat motorcycle at bumabagtas sa Sitio Pook, Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, nang dikitan ng suspek at agad binaril sa ulo.

Matapos na masigurong patay ang biktima, mabilis na tumakas ang suspek patungo sa ‘di batid na direksyon.

Agad naitakbo sa pagamutan ang biktima ng mga sumaklolo su­balit idineklara na siyang dead-on-arrival.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng follow  up ang pulisya  hinggil sa insidente.

vuukle comment

MIGUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with