2 grupong Moro nagkasagupa: 6K residente nagsilikas
COTABATO CITY, Philippines — Hindi bababa sa 6,000 na residente ng dalawang barangay sa Mamasapano, Maguindanao del Sur ang lumikas sa mga evacuation sites sanhi ng panibagong barilan ng dalawang magkaaway na grupo nitong Linggo.
Sa pahayag ng mga apektadong residente nitong Martes, pinatay pa gamit ang mga assault rifles ng mga kasapi ng magkalabang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kanilang mga alagang hayop na kanilang naiwan sa kanilang mga bakuran sa kalagitnaan ng naganap na kaguluhan sa kanilang kapaligiran.
Unang nagkapalitan ng putok ang mga grupo nila Zainudin Kiaro at CommanderBadruddin, parehong kasapi ng MILF, nitong April 4 at naulit na naman nitong Lunes.
Sa ulat nitong Martesni Vincent Cuales, municipal disaster risk reduction and management officer ng Mamasapano, namigay na ang kanilang local government unit ng inisyal na ayuda para sa mga residente ng Brgys. Pembalkan at Tunakalipao na apektado ng kaguluhan, at kasalukuyang nasa mga evacuation sites na.
Agawan diumano sa teritoryo at pulitika ang pinag-ugatan ng away ng dalawang grupo na ngayon ay sinisikap ng maareglo ng Mamasapano LGU, katuwang ang pulisya at mga matataas na mga opisyal na MILF upang manumbalik ng katahimikan sa Pembalkan at Tukanalipao.
- Latest