^

Probinsiya

300 Islamic teachers, tumanggap ng allowance mula sa Cotabato governor

John Unson - Pilipino Star Ngayon
300 Islamic teachers, tumanggap ng allowance mula sa Cotabato governor
Ipinamahagi ng mga staff ni Cotabato Gov. Em- mylou Mendoza ang P1,500 na 3-months allo- wance ng may 300 na guro mula sa mga Islamic schools sa iba’t ibang bayan sa probinsya ni- tong nakalipas na linggo.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines —  Tumanggap ng cash allowance ang 300 Islamic teachers sa lalawigan ng Cotabato mula sa kanilang provincial government bilang suporta sa kanilang pagsisikap na maisulong ang Muslim-Christian solidarity sa kani-kanilang mga komunidad.

Sa ulat nitong Linggo, bawat isa sa naturang mga guro ay tumanggap ng kabuuang P1,500 cash bilang allowance mula Enero hanggang Marso ngayong taon.

Personal na inihatid ng mga kawani ng tanggapan ni Gov. Emmylou Taliño-Mendoza nitong Mayo 2, ang naturang three-months allowance na P500 kada buwan, para sa 300 na benepisyaryong guro ng mga Madrasah o Islamic schools sa iba’t ibang bayan sa probinsya.

Pinangunahan ni Edris Gandalibo, senior staff ng Cotabato Provincial Governor’s Office-Moro Affairs ang pamimigay ng P1500 cash allowance ng mga Islamic religion teachers na isa nang regular na programa ng tanggapan ni Gov. Mendoza bilang suporta at pagtangkilik sa mga Moro communities na sakop ng kanyang administrasyon.

Kilala si Mendoza, chairperson ng Regional Development Council 12, at ang kanyang sakop na 18 mayors na masigasig na mga supporters ng peace process ng Malacañang at mga komunidad ng mga Moro sa probinsya ng Cotabato at sa mga bayan ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur na sakop ng Bangsamoro region.

ISLAMIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with