^

Probinsiya

F2F classes sa public schools sa Rizal, suspendido

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinuspinde ni Rizal Governor Rebecca Ynares ang face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa lalawigan ng Rizal hanggang ngayong Biyernes dahil sa nararanasang matinding init ng panahon.

Ang suspensiyon ay inanunsiyo ni Ynares sa isang Facebook post kamakalawa ng gabi.

Nabatid na sakop ng suspensiyon ng F2F classes mula Mayo 2, Huwebes, hanggang Mayo 3, Biyernes, ang lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan sa buong lalawigan.

Pinayuhan din ni Ynares ang mga school authorities na gumamit na lamang muna ng alternative learning moda­lities gaya ng asynchronous/blended learning, at iba pa.

Nilinaw naman ni Ynares na hindi sakop ng kautusan ang mga pribadong paaralan.

Ipinaubaya na lamang niya ang pagsuspinde ng face-to-face classes sa private schools sa diskresyon ng kanilang school administration.

FACE TO FACE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with