^

Probinsiya

Quarry operation sa Quezon Province ipinatitigil ni Governor. Tan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Ipinag-utos ni Quezon Gov. Angelina “Helen” Tan ang pagpapatigil ng illegal quarry operation sa lalawigan ng Quezon kabi-lang ang quarrying operation sa bayan ng Sariaya.

Ang hakbang na ito ay bilang na rin sa pagtugon sa hiling ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta na naghihikayat sa kanyang mga kababayan upang lubusang ipatigil ang quarry operation sa pamamagitan ng isang petisyon.

“Bilang atin pong pagtugon sa panawagan po ng mayor ng bayan ng Sariaya, atin pong inatasan ang Provincial Mining and Regulatory Board at Provincial Government-Environment and Natural Resources Office na siguraduhin na walang makapag-operate na iligal na quarry sa alinmang bahagi ng ating lalawigan. Gayundin, ating pong ipinag-utos ang pagpapatigil ng lahat po ng quarry operator or operation sa bayan ng Sariaya,” ang pahayag ng gobernadora.

Hinikayat din ni Gov. Tan si Mayor Gayeta na pag-aralan ang mga binigay na bussiness permit sa mga PMRB Quarry Permittee para bigyang daan ang komprehensibong pag-aaral para sa wastong pangangalaga ng kalikasan at paglinang ng likas na yaman, partikular na ang mga lugar na nasa paligid ng Bundok Banahaw.

Ang atas na ito ay kaugnay sa usapin ng illegal quarrying sa paanan ng bundok Banahaw.

Pinangangambahan ng mga residente na magkaroon ng malaking pagbaha kapag malakas ang buhos ng ulan sa bayan ng Sariaya kung hindi maipatitigil ang operasyon ng quarry, legal man o iligal.  

SARIAYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with