^

Probinsiya

Pag-akyat ng mga mountaineers sa bunganga ng Mt. Mayon, pinaiimbestigahan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Pinaiimbestigahan na ni Dr. Cedric Daep, hepe ng Albay Provincial Safety and Emergency Management Office ang lumabas na mga posts sa social media na pag-akyat ng ilang mga mountai­neers sa mismong bunganga ng Mt. Mayon kahit nasa ilalim ng alert level 1.

Ayon kay Daep, hindi lang malaking peligro ang ginawa ng grupo na mga dumayong mountaineers kundi lantarang “pambabastos at kawalang respeto” sa mga Albayano. Nakatakdang kausapin nito si Dorothy Colle, Albay Provincial Tourism and Cultural Officer at iba pang ahensya para maimbestigahan at malaman kung sino ang naturang mga indibidwal at mabigyan ng kaukulang parusa.

Nagngingitngit sa galit ang opisyal dahil parang nang-iinsulto pa ang mga umakyat sa pagturan umano na “kaylan pa sila aakyat kung 70-anyos na?” Malinaw umano na hindi mga taga-Albay ang mga ito at naniniwala silang naninirahan ang mga ito sa Katagalugan.

Inaalam din nila kung may mga local tour guide na kasama sa pag-akyat. May nakuha umano silang impormasyon na kahit nasa alert level 3 pa ang estado ng bulkan noong nakaraang taon ay may mga mountaineers na ang naunang umakyat sa Mayon at hindi nila alam kung pareho itong grupo.

Inihalimbawa ni Daep ang mga dayuhang turista na walang paalam na umakyat ilang taon na ang nakalilipas at biglang nagkaroon ng phreatic eruption dahilan para isa ang nasawi at ilan ang malubhang nasugatan.

BULKANG MAYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with