^

Probinsiya

2 PAF helicopter dineploy sa forest fire sa Camarines Sur

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 PAF helicopter dineploy sa forest fire sa Camarines Sur
The Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (CRDRRMC) conducts heli bucket operations in Kabayan, Benguet, following a forest fire that razed a part of the municipality on April 24, 2024.
STAR/Andy Zapata

MANILA, Philippines — Nag-deploy ang Philippine Air Force (PAF) ng dalawang helicopter para tumulong sa pag-apula ng forest fire sa Mt. Asog sa Iriga City, Camarines Sur, ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni PAF Spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo, isang Super Huey II at isang Bell 205 helicopter sa ilalim ng Tactical Operations Wing ng Southern Luzon ang kanilang idineploy at nagsagawa ng heli-bucket operation o pagsasaboy ng tubig sa sunog noong Lunes sa Mt. Asog.

Ayon kay Castillo, katuwang nila sa pag­apula sa sunog ang Bureau of Fire Protection ng Camarines Sur, 49th Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Bukod rito, nagsagawa rin ang PAF ng Ra­pid Damage and Needs Assessment (RDANA) para makita ang lawak ng pinsala sa forest fire at matukoy ang mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong residente.

Nanawagan naman si Office of Civil Defense (OCD) Director Claudio Yucot sa publiko na iwasan ang pagsisiga lalo na ng mga nagkakaingin sa bundok upang maiwasan ang forest fire.

Dahil sa insidente, pansamantalang sinuspinde ang “outdoor at adventure” na mga aktibidades sa Mt. Asog dahil sa sunog sa isang bahagi ng bundok.

CAMARINES SUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with