^

Probinsiya

2 power plant sa Bataan, ‘di apektado ng El Niño

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

MARIVELES, Bataan, Philippines — Sa kabila ng matinding init ng pana­hon na nararanasan sa bansa, hindi umano apektado ang operasyon ng dalawang power plant na nakatayo sa Barangay Alas Asin ng lalawigang ito .

Ayon kay AVP for Community Relations ng GMEC at GNPD Power Plant Arcel Madrid, tuluy-tuloy umano ang  operasyon ng dalawang planta na G Mariveles Energy Center at GN Power Dinginin sa kabila ng kakapusan ng supply ng kuryente sa mala­king bahagi ng Luzon at Visayas region.

Ang pagtitiyak ay ginawa ng nasabing mga planta matapos hilingin ng Department of Energy (DoE) at National Grid Corporation (NGCP) na bantayan ang kanilang operasyon matapos makaranas ng force shutdown ang nasa mahigit 20 power plant sa bansa na kung saan dahilan upang umabot sa 1,968 megawatts ang kanilang power shares.

Matatandaan kama­kailan na una nang nagdeklara ang NGCP ng red at yellow alert dahil sa kakulangan ng kuryente sa Luzon at Visayas  subalit kalaunan ay nagbalik-normal na makaraan lamang ng isang linggo.

EL NIñO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with