246 college students sa Nueva Vizcaya, tumanggap ng tig-P2,500 cash aid
UPAX DEL NORTE, Nueva Vizcaya, Philippines — Tumanggap ng financial assistance ang nasa 246 na mga mag-aaral sa kolehiyo mula sa local na pamahalaan ng Dupax del Norte, dito sa lalawigan, kamakalawa.
Ayon kay Mayor Timothy Joseph Cayton, bawat isa sa mga estudyante ay tumanggap ng P2,500 bilang tulong ng local na pamahalaan lalo na sa mga nag-aaral na kapos sa gastusin.
Ang nasabing halaga ay pinondohan ng LGU para sa lahat ng mga college students na residente ng nabanggit na bayan.
Unang isinagawa ang distribution sa Barangay Belance para sa mga residente na nasa bulubundukin habang sa LGU-gym naman isinagawa ang pamimigay ng ayuda para sa mga nasa lowland.
Sa bisa ng ordinansa na inaprubahan at ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Dupax del Norte ay tuluy-tuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga mag-aaral sa kolehiyo kahit na magpalit pa ng mga opisyales ang nabanggit na bayan.
Maliban sa mga estudyante ay pinondohan din ng LGU para sa kanilang social services ang regular na tulong pinansyal para sa lahat na mga senior citizen, retirado, driver, solo parents, barangay tanod, health workers, former rebels, SK kagawad, Person with Disabilities (PWDs), dialysis patients, magsasaka at dating overseas Filipino workers (OFWs).
- Latest