^

Probinsiya

Nueva Vizcaya, nag-top sa ‘fastest growing provinces’

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines —  Nanguna sa puwesto ang lalawigan na ito sa listahan ng Top 10 fastest growing provinces at Highly Urbanized Cities (HUC) sa buong bansa, ayon sa ulat ng  Philippine Statistics Authority (PSA).

Batay sa datos ng PSA, ang lalawigan ng Nueva Vizcaya ay na­nguna batay sa resulta ng 2023 Provincial Product Accounts (PPA) mula sa 16 na pilot regions ayon sa  Gross Value Added (GVA) sa labas ng National Capital Region.

Inungusan ng Nueva Vizcaya ang ibang mga malalaking probinsya na kabilang sa 82 mga lalawigan at 17 mga highly urbanized cities sa Pilipinas.

Umarangkada ang Nueva Vizcaya bilang fastest annual growth in GVA of Industry na may 27.3%, pumangalawa ang Sorsogon na may 18.7%; Zambales-17.3%; Masbate-16.6%; Misa­mis Occidental-16.4%; Kalinga-16.3%; City of Butuan-15.9%; Abra-15.6%; City of Ilo­ilo-14.7%, at ang City of Olongapo na may 14.5% growth.

Nalampasan din ng annual growth rate ng top 10 provinces ang national GDP growth rate na pumalo lamang sa 6.5%.

Ang GVA ay kontribusyon mula sa mga korporasyon o industriya tulad ng mining and quarrying, manufacturing, construction and electri­city, steam, water at ang waste management.

Samantala, tiniyak naman ni Nueva Vizcaya Governor Atty. Jose “Jing” Gambito na patuloy na tututukan at pasisiglahin ng provincial government ang takbo ng ekonomiya sa lalawigan para makatu­long sa kaunlaran ng buong bansa.

NUEVA VIZCAYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with