154 pamilya sa Zamboanga, tumanggap ng tig-P10K cash aid mula NHA
MANILA, Philippines — Binigyan ng National Housing Authority (NHA) ng tulong pinansiyal ang may 154 pamilya na nasalanta ang mga bahay bunsod ng kalamidad sa Zamboanga kamakailan.
May halagang P1.540 milyong cash aid ang personal na naipagkaloob ni NHA general manager Joeben Tai sa pamamagitan ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng ahensiya sa isang simpleng seremonya sa Labuan Central Elementary School sa Zamboanga City kasama si Zamboanga City Mayor John Dalipe.
Bawat pamilyang benepisyaryo ay nakatanggap ng tig-P10,000 cash bilang suporta sa pagpapaayos ng kanilang mga nasirang tahanan.
Sa kanyang mensahe, ipinangako ni GM Tai ang karagdagang tulong-pabahay para sa mga Zamboangueños.
Samantala, takdang ipamahagi rin ang NHA sa may 575 pamilya sa Zamboanga City na nasunugan ng mga bahay ang P5.750 milyon bilang tulong mula rin sa EHAP.
- Latest