100 ex-rebels sa Aurora, sumailalim sa pagsasanay
CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Sumailalim sa dalawang araw na skills training ang nasa 100 na dating rebelde sa lalawigan ng Aurora hindi para muling humawak ng baril kundi para makapamuhay ng normal sa tulong na inisyatibo ng gobyerno.
Ang mga mga trainees na miyembro ng 14 people’s organization (POs), ay tinuruan kung paano gumawa ng processed meat tulad ng tocino at longganisa, gayundin ng tinapang isda, itlog na maalat at ng pineapple jam.
“We wish for the success of their businesses but it depends on how they manage it,” sabi ni Army Lt. Col. Julito Recto Jr., commander ng 91st Infantry Battalion ng Philippine Army.
Upang matulungan ang mga dating rebelde, may kabuuang P500,000 halaga ng livelihood starter kits ang iginawad ng gobyerno sa mga dumalo. Kasama sa mga kit ang steamer, casserole/saucepan, utility tray, mixing bowl, measuring cups and spoon, mixing paddles, gas stove na may kasamang tangke, weighing scale na may stainless steel tray, at meat slicer.
Iginiit naman ni TESDA OIC-Aurora Provincial Director Jerome Lopez na sila ay palaging nakahanda na tulungan at asistihan ang mga marginalized at vulnerable na indibiduwal.
“We can arrange training even in far-flung areas. Nais kong magtagumpay kayong lahat,” wika pa ni Lopez sa mga trainees na mga miyembro ng 14 people’s organization (PO).
Nagpasalat naman si PO Provincial Federation President “Ka Edgar” sa 91IB at sa gobyerno sa patuloy na pagsuporta sa kanilang mga pangangailangan.
Ang gobyerno ay nagbibigay rin ng iba pang tulong at benepisyo sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) sa mga nagbalik-loob na rebelde tulad ng scholarship, cash aid at trabaho upang matulungan silang magsimulang muli.
- Latest