^

Probinsiya

Babaeng lider ng drug group huli sa P1.3 milyong shabu

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Isang babae na tumatayong lider umano ng isang drug ring na puro mga babae ang kasapi ang nakunan ng P1.3 milyong halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa General Santos City nitong Miyerkules.

Kinumpirma nitong Biyernes ni Brig. Gen. Augustus Placer, director ng Police Regional Office-12, na nasa kustodiya na nila ang suspect na pansamantalang hindi muna kinilala habang tinutugis pa ang kanyang mga tauhan at kasabwat na mga babae rin na hinihina­lang nagtatago sa General Santos City at ilang bayan sa mga probinsya ng Sarangani at South Cotabato.

Nalambat ang 27-anyos na suspect sa gilid ng Banisil Extension, isang kalye sa Barangay Dadiangas West sa Gene­ral Santos City, ng magkasanib na mga operatiba ng General Santos City Police office at PRO-12.

Hindi na pumalag nang arestuhin ang suspek matapos magbenta ng 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milyon sa mga hindi unipormadong pulis na nagkasa ng naturang entrapment operation sa tulong ng local officials sa General Santos City.

May mga nag-ulat sa pulisya na namimigay diumano ang babaeng drug dealer ng parte ng kanyang kita sa mga tero­ristang grupong Dawlah Islamiya at New People’s Army na parehong kilala sa pagkakanlong at pagbibigay proteksyon sa mga drug pushers kapalit ng pera.

AUGUSTUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with