^

Probinsiya

Chopper ng Navy bumagsak, 2 piloto todas  

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Chopper ng Navy bumagsak, 2 piloto todas       
Ang bumagsak na training chopper na R22 Robinson ng Phil. Navy sa kahabaan ng Draga Reclamation Area,Cavite City na kung saan nasawi ang piloto at co-pilot nitong babae, kahapon ng umaga.

MANILA, Philippines — Dalawang piloto na isa rito ay babae ang nasawi matapos na bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter sa Draga Reclamation area sa Barangay 57, Cavite City, kahapon ng umaga.

Namatay noon din si Lt. John Kyle Borres, 36, namatay din habang ginagamot sa pagamutan ang co-pilot nito na si Ensign Izzah Leonah Taccad, 27, may-asawa, kapwa Philippine Navy at nakadestino sa Naval Airwing Sangley Point sa Cavite City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente, alas-6:30 ng umaga ay nagsasagawa ang mga ito ng training flight nang magkaroon ng problema ang helicopter.

Kaya mag-emergency landing sana ang mga ito sa bisinidad ng Cavite City Public Market subalit hindi na nakayanan kung kaya tuluyan itong bumulusok at bumagsak sa nasabing lugar.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Philippine Navy upang mabatid ang sanhi ng aksidente. - Ed Amoroso at Arnell Ozaeta

vuukle comment

CRASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with