5.1 magnitude na lindol naitala sa Davao de Oro
MANILA, Philippines — Niyanig ng 5.1 magnitude lindol ang Davao de Oro, kahapon ng alas-11:33 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng lindol ay naitala sa may 001 kilometro ng timog silangan ng New Bataan,Davao De Oro.
Naramdaman ang lakas ng lindol na Intensity V sa Pantukan, Mabini, at Maco, Davao de Oro, Intensity IV sa City of Tagum, Davao de Oro at City of Bislig, Surigao del Sur.
Nagtala naman ng Instrumental Intensity 1 sa City of Digos, Davao City, Matanao, at Magsaysay, Davao del Sur at Malungon, Sarangani.
Ayon sa Phivolcs na asahan na ang pagkakaroon ng aftershocks kaugnay nang naganap na lindol.
- Latest