Galing ‘get together’ sa isla Bangka tumaob: 14 sakay nasagip
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nasagip at hindi nasaktan ang labing-apat na pasahero kabilang ang isang guro nang tumaob ang sinasakyan nilang pribadong bangka sa karagatang sakop ng Barangay San Rafael, sa Burdeos, Quezon nitong Sabado ng gabi.
Sa ulat, kagagaling lang ng get together trip sa Binumbunan Island ang mga pasahero na karamihan sa kanila ay mga kamag-anak at kapitbahay nang makaranas ng aberya sa gitna ng karagatan noong Sabado dakong alas-6:30 ng gabi.
Ayon kay Captain Fernando Portes, hepe ng pulisya ng bayan, ang sanhi ng pagtaob ng bangka ay dahil sa hindi inaasahang malakas na paghampas ng higanteng alon habang naglalayag sa karagatan.
Aniya, lahat ng mga pasahero kabilang ang isang guro, at may-ari ng pribadong bangka, ay isinugod sa pinakamalapit na klinika ng bayan para sa debriefing treatment.
Agad naman inalerto ang mga tauhan ng Burdeos station upang magsagawa ng rescue operation nang makita nilang tumaob ang bangka ilang metro ang layo mula sa daungan ng Burdeos.
- Latest