^

Probinsiya

Senglot na driver, huhulihin na sa Nueva Vizcaya

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Sa kulungan na magpapalipas ng gabi ang mga lasing na mahuhuling nagmamaneho na nakainom ng alak sa lalawigang ito.

Ito ay matapos na ilunsad ang Anti-Drunk Driving Law para mabawasan ang mga disgrasya sa mga lansangan na karamihan ay kinasasangkutan ng mga nakainom na driver.

Ayon kay Governor Jose Gambito, magbibigay ang provincial government ng alcohol breath analizers sa mga awtoridad para masuri kung ang mga motorista ay nakainom ng alak o hindi.

Sa pamamagitan ng breath analizer ay agad na matutukoy kung nakainom ang isang driver kung kaya’t hindi na nito maitatanggi lalo na kung nagpositibo ito sa test.

Ayon naman kay PCol. Camlon Nasdoman, provincial police director, nababahala na sila sa dami ng bilang ng mga vehicular accident sa lalawigan na karamihan ay kinasasangkutan ng mga lasing na driver.

Ilan sa mga lugar kung saan madalas ang vehicular accident ay ang kahabaan ng national highway sa bayan ng Aritao at Bambang, ang national highway malapit sa Region 2 Trauma and Medical Center (R2TMC) sa bayan ng Bayombong at ang highway na nasa pagitan ng bayan ng Solano at Bayombong.

Katuwang ng pulisya na magpapatupad ng nasabing batas ay ang mga deputized agents ng Land Transportation Office, PNP Highway Patrol Group at iba pang ahensya ng gobyerno.

NUEVA VIZCAYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with