^

Probinsiya

Lalaki nang-onse sa droga, itinumba

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang nasawi matapos tambangan ng hindi pa kilalang suspek nitong Miyerkules ng gabi sa Butuan City.

Kinilala ang namatay na si Jonathan Biating Lincona, 29, binata, at residente ng Emenville Subd., Brgy. Ambago, Butuan City na kung saan ay nakuhaan ng shabu at baril sa katawan.

Batay sa report ng Butuan City Police Station 2, alas-6:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa Purok 1, R Calo St., Brgy. 17, Fort Poyohon ng naturang lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang motorsiklo angkas ang dalawang lalaki nang bigla na lamang silang dikitan ng riding-in-tandem.

Dito, apat na beses na pinaputukan ng mga suspek ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan at mabilis na tumakas sa di-malamang direksyon.

Sa pagresponde ng mga otoridad sa lugar ng pinangyarihan ng krimen, nakapulot sila ng 4 na basyo ng bala, sling bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 60-grams at aabot sa halagang P400,000.00, digital weighing scale at pera.

Habang nasa ospital, nadiskubre ng mga pulis ang nakasukbit na baril sa tagiliran ng biktima at mga bala sa bulsa ng jacket nito.

Nagpapatuloy naman ang ginawang follow-up investigation ng mga otoridad kung onsehan sa droga ang motibo sa krimen.

vuukle comment

BUTUAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with