^

Probinsiya

'Scammer' nilimas P57,000 donasyon para sa batang nilapa ng aso

James Relativo - Philstar.com
'Scammer' nilimas P57,000 donasyon para sa batang nilapa ng aso
Satellite image of Calbiga, Samar mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Naubos ang perang nalikom para sana sa pagpapagaling ng isang paslit, matapos diumano mabiktima ng isang electronic wallet (e-wallet) scammer.

Sa ulat ng GMA News ngayong Miyerkules, sinasabing umabot sa P57,000 ang natangay ng scammer mula sa online-wallet ng isang guro na una nang naglikom ng pera para sa naturang bata.

Linggo lang nang atakihin ng apat na aso ang naturang 2-anyos na babae sa Calbiga, Samar matapos makalabas ng bahay habang inaalagaan ng kanyang lola.

Paglalahad ng guro, isang tao raw ang tumawag sa kanya nitong Lunes at nagpakilalang magpapaabot ng tulong mula sa isang ahensya ng gobyerno.

Sa pag-aakalang totoo ang layunin ng kawatan, hindi raw nagdalawang-isip ang gurong ibigay ang one-time-password na kanyang natanggap para sa fund transfer sa e-wallet.

Hindi alintana ng gurong dito na mauubos ang pera para sa bata.

Nananawagan naman ang gurong itigil muna ang pagpapadala ng pera sa kanyang e-wallet sa ngayon habang humihingi ng paumanhin sa mga naunang nagpaabot ng tulong.

Iniimbestigahan pa rin naman ng otoridad ang naturang krimen.

Una nang naibalitang pangmamay-ari ng kapitbahay ng bata ang mga aso, na noo'y nagbabantay sa isang bukid sa Baranggay Timbangan.

Sinasabing naapunit ang tenga at ilang bahagi ng pwetan ng bata matapos magtamo ng mga kagat sa mukha at katawan.

Dinala naman sa Samar Provincial Hospital ang bata para magpagaling. Nangako  ang may-ari ng mga asong sasaluhin ang gastusin na kakailanganin sa ospital.

CALBIGA

DOG

ELECTRONIC WALLET

SAMAR

SCAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with