^

Probinsiya

11-anyos nadaganan ng konkretong bloke, pisak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Magkakaklase nag-picnic sa ilog

MANILA, Philippines — Patay ang isang 11-anyos na estudyante nang madaganan ng concrete block habang naliligo nang mag-picnic sa ilog kasama ang kanyang mga ka­klase nitong Linggo sa Brgy. Cardona, Dolores, Abra.

Ayon sa ama ng biktima, nagpunta sa lugar ang anak kasama ang iba pang kaklase dahil sa may pag-uusapan.

Nabatid na nag-usap-usap umano ang biktima at mga kaklase nito na magpipiknik at maliligo sa ilog.

“Sinabi ko na huwag na siyang pumunta at dito na lamang sa bahay, pero sabi niya may usapan na raw sila ng kanyang mga kaklase na mag-picnic sa ilog,” anang ama ng biktima.

Naglalaro ang biktima kasama ang kanyang mga kaklase sa ibabaw ng concrete blocks nang masira ang isa sa mga ito at mahulog ang biktima.

Sa kasamaang palad, nadaganan ang biktima ng concrete blocks habang isa pang kaklase nito ang sinasabing nasugatan.

Kinailangan pang gumamit ng backhoe ang mga emergency responders para makuha sa pagkakaipit ang mga biktima.

Nabatid na ang concrete blocks o tetrapods ay ang breakwater na permanenteng istrakturang na-construct sa gilid ng ilog o dagat bilang proteksyon at harang sa paglaki ng tubig, malalakas na alon at storm surge.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with