^

Probinsiya

2 tinedyer dumalo sa debut tinorture, pinatay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 tinedyer dumalo sa debut tinorture, pinatay
Kinilala ang mga biktima na sina Kyle Joseph dela Cruz, 17, at Jamil Fermin, 17 kapwa residente ng Brgy. Sta. Arcadia ng nasabing lungsod.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang tinorture muna bago pinatay ang dalawang lalaking tinedyer na natagpuang patay sa irrigation canal sa Purok 5, Barangay Sta. Arcadia, Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong Marso 4.

Kinilala ang mga biktima na sina Kyle Joseph dela Cruz, 17, at Jamil Fermin, 17 kapwa residente ng Brgy. Sta. Arcadia ng nasabing lungsod.

Sa salaysay ng magulang ng mga biktima, nagpaalam ang kanilang mga anak na dadalo sa isang debut sa kanilang barangay noong Marso 1.

Gayunman, hindi na nakauwi ang dalawang binatilyo hanggang sa may nakakita sa bangkay ng mga estudyante sa irrigation canal sa gilid ng kalsada.

Nang tunguhin ng mga kaanak ang lugar, nakumpirma na ang mga binatilyo ang natagpuang patay na may nakadagang motorsiklo. Halos hindi makilala ang isa mga biktima dahil sa tindi ng tinamong pinsala sa mukha at iba pang bahagi ng katawan.

Sinasabing wala namang kagalit ang mga biktima kaya palaisipan sa mga magulang ang brutal na pagpaslang sa dalawang binatilyo.

Ayon kay Emil Fermin, ama ni Jamil, mag-aalas-8:00 ng gabi nang umalis sa bahay ang anak para dumalo sa debut.

Pinayagan niya ang binatilyo dahil nangako naman itong uuwi rin kaagad. Pero mag-uumaga na ay hindi pa bumabalik si Jamil hanggang sa matagpuan na siyang patay, kasama si Kyle.

Kumakalap na rin ng mga CCTV footages ang pulisya na maaaring makatulong o magbigay ng lead sa kanilang imbestigasyon.

CABANATUAN CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with