^

Probinsiya

70-anyos lola, nirapido ng M16 sa tindahan

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Patay agad ang 70-anyos na babae nang paulanan ng bala ng M16 assault rifle sa loob ng kanyang maliit na tindahan sa isang liblib na lugar ng Barangay Poblacion sa Prosperidad, Agusan del Sur nitong Sabado.

Ayon sa Prosperidad Municipal Police Station, mahigit 10 bala ang tumama sa katawan at kumitil sa buhay ng 70-anyos na biktimang si Eufemia Baguio Pugahan, mula sa kapitbahay na suspek na may matinding galit sa kanya na si Mike Madrona Guibao, 34-anyos.

Si Guibao ay naaresto naman ng mga rumes­pondeng pulis ng Prosperidad Municipal Police Station at nahaharap sa kasong pagpatay.

Narekober sa tindahan ni Pugahan ang M16 na ginamit ni Guibao sa pagpatay sa kanya at inaalam na ng mga imbestigador kung saan ito nakuha ng suspek na nahaharap na sa kaukulang kaso.

vuukle comment

AGUSAN DEL SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with