^

Probinsiya

Inuman niratrat: Negosyante utas, 2 pa sugatan

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, Quezon , Philippines —  Patay ang isang negosyante habang sugatan ang kanyang dalawang kaanak makaraang pagbabarilin ng nag-iisang salarin habang ang mga biktima ay nag-iinuman sa loob ng bahay ng kanilang kaibigan sa Sitio Kampuklo, Barangay Buenavista West sa bayang ito, kama­kalawa ng gabi.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan sanhi upang agad na malagutan ng hininga si Manolito Laygo, 56, samantalang sa leeg nagtamo ng tama ng bala si Sergio Bosita, 61 at sa binti tinamaan si Edwin Aquino, 51.

Nadakip naman sa hot pursuit operation at kinasuhan na ng murder at 2 counts of frustrated murder ang suspek na si alyas “Roy”, 53, residente rin ng nasabing barangay.

Ayon kay P/Lt. Col. Bryan Merino, Candelaria chief of police, nakikipag-inuman ang magkakaanak na mga biktima sa kapitbahay na si Lester Delos Reyes nang biglang dumating ang armadong suspek dakong alas-8:55 ng gabi.

Nang makita si Laygo ay walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng suspek na agad nitong ikinamatay habang tinamaan ng ligaw na bala ang dalawang kaanak nito.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril pero nadakip din ng mga rumes­pondeng pulis. 

vuukle comment

AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with