^

Probinsiya

Motorsiklo sumalpok sa bus: 3 dedo

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Motorsiklo sumalpok sa bus: 3 dedo
Nakahandusay pa nang abutan ng awtoridad ang isa sa tatlong nasawi sa salpukan ng mo- torsiklo at pampasaherong bus sa Brgy. San Diego, Tagkawayan, Quezon nitong Martes ng hapon.
Ed Amoroso

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Patay ang tatlong magkakaangkas kabilang ang 4-taong gulang na bata at isang babae matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa paparating na pampasaherong bus sa Barangay San Diego, Tagkawayan, Quezon.

Kinilala ni Major Eric Veluz, hepe ng pulisya ng bayan, ang mga nasawi na sina Dennis Rendiza Cambel, driver ng motorsiklo, mga pasahero nitong si Virginia Oraye, 26, at ang 4-anyos na si Princess Nessia Osila.

Si Cambel ay namatay noon din sa lugar habang sina Ora­ye at Osila ay dinala sa Ma. Lourdes Eleazar General Hospital subalit namatay habang gina­gamot, ayon kay Veluz.

Agad namang nahuli ng mga rumespondeng pulis ang driver ng Elavil bus na kinilalang si Gilberto Santos Judin, 49- anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon, kagagaling lang ng mga biktima sa Albay at patungong Cavi­te nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Quirino Hi-way sa Tagkawayan, Quezon noong Martes ng hapon.

Sinabi ni Veluz na binabagtas ng nasabing bus (NBK-4409) ang tuwid na bahagi ng kalsada patungo sa Bicol habang ang mga biktima na sakay ng motorsiklo na nagmula sa kabilang direksyon ay biglang inokupa ang kabilang linya ng kasalubong na bus sanhi ng salpukan.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nakaladkad pa ng bus ng ilang metro ang motorsiklo sanhi upang mapuruhan ang mga biktima.

Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide laban sa driver.

vuukle comment

ERIC VELUZ

ORA­YE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with