Trak bumangga sa arko ng Malolos, Bulacan, 2 sugatan
MANILA, Philippines — Sugatan ang isang truck driver at ang kanyang helper nang bumangga sa boundary arch ng lungsod na ito sa bayan ng Guiguinto, Bulacan, kahapon ng umaga.
Sa ulat na nakarating kay PCol. Relly Arnedo, Bulacan Police director, kinilala ang driver ng trak na si Ronald Atayde at ang pahinante na si Roy Atayde na kapwa residente ng Barangay San Leonardo, Nueva Ecija.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang driver ng truck ay sakay ng isang Foton truck na may plate number na CAK1696 at bumabagtas sa south bound lane ng Mc Arthur Highway bandang 4:56 ng umaga nang makatulog ang driver, nawalan ng kontrol sa trak at bumangga sa poste ng arko sa hangganan ng Lungsod ng Malolos - Guiguinto.
- Latest