^

Probinsiya

Buntis na estudyante, sinaksak ng nobyo

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Buntis na estudyante, sinaksak ng nobyo
Kinilala ni Major ­Jollymar Seloterio, hepe ng pulisya ng bayang ito ang biktima na si alias Elsa,na nagtamo ng mga saksak sa katawan at galos na agad dinala sa Provincial Hospital of Laguna,Sta. Cruz.
STAR/ File

‘Di pumayag na ipalaglag ang sanggol

MANILA, Philippines — Isang 18-anyos na senior high school student na tatlong buwang buntis ang nasa kritikal na kondisyon matapos saksakin ng kanyang nobyo,naganap sa madamong  bahagi ng Barangay Maahas, Los Baños, Laguna.

Kinilala ni Major ­Jollymar Seloterio, hepe ng pulisya ng bayang ito ang biktima na si alias Elsa,na nagtamo ng mga saksak sa katawan at galos na agad dinala sa Provincial Hospital of Laguna,Sta. Cruz.

Ang suspek ay ang dati nitong nobyo na si alias De Leon 16, public high school student, residente ng Barangay San Antonio, Los Baños na tumakas at nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Ayon sa imbestigasyon ni P/Staff Sergeant Alvin Apolina­rio, ang biktima ay naghihintay ng tricycle sa Maahas Road pauwi sa kanilang bahay nang dumating ang suspek at niyaya na mag-usap.

Dito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dating magdyowa nang tanggihan ang pakiusap ng suspek na ipalaglag ang sanggol sa kanyang sinapupunan na ang ama ay ang suspek.

Sa galit ng suspek ay hinawakan nito ang leeg ng biktima at pinagsasaksak sa katawan.

Kahit na may mga saksak ay nakalayo ang biktima at hu­mingi ng tulong sa mga residente na siyang nagdala sa ospital.

Patuloy ang obserbasyon ng mga doctor sa kondisyon ng biktima.

vuukle comment

JOLLYMAR SELOTERIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with