^

Probinsiya

2 sundalo,1 militiaman sugatan sa grenade attack ng DI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 sundalo,1 militiaman sugatan sa grenade attack ng DI
Ayon kay Major Sa­ber Balogan, civil-military operations chief ng 601st Infantry Brigade ng Army, ang pag-atake ay ginawa ng lokal na grupong DI terror group.
File Photo

MANILA, Philippines — Dalawang sundalo at isang militiaman ang nasugatan nang masabugan ng granada na inihagis sa kanila ng mga lalaking sakay ng motorsiklo na hinihina­lang mga miyembro ng Dawlah Islamiyah terror group,nitong Martes ng hapon sa Maguindanao del Sur.

Ayon kay Major Sa­ber Balogan, civil-military operations chief ng 601st Infantry Brigade ng Army, ang pag-atake ay ginawa ng lokal na grupong DI terror group.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Sgts. ­Jester Arsulo at Bryan Baylon, at gayundin si Datu Nor Akmad, mi­yembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU), na pawang nasa ilalim ng 33rd Infantry Battalion ng Army.

Sinabi ni Balogan na ang mga biktima ay nasa loob ng CAFGU patrol base sa nayon ng Timbangan nang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang naghampas ng hand grenade patungo sa tabing daan at mabilis na tumakbo palayo.

Ginagamot ngayon ang mga sugatang infantrymen sa Army hospital sa Camp Siongco, Datu Odin Sinsuat, Maguin­danao del Norte.

Maaari anya na isang paghihiganti ng mga mi­yembro ng grupo ng DI dahil sa matagumpay na operasyon ng militar laban sa kanila sa Maguindanao del Sur.

vuukle comment

CAFGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with