^

Probinsiya

Nasawi sa Davao de Oro landslide, 98 na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Nasawi sa Davao de Oro landslide, 98 na
Army rescuers and government responders recover a cadaver at the landslide ground zero in Barangay Masara, Davao de Oro on Feb. 12, 2024.
Philippine Army / Facebook

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 98 katao ang nasawi habang 9 ang nawawala sa naganap na landslide sa  Maco, Davao de Oro.

Sa isang press brie­fing, sinabi ni Lea Añora ng management of the dead and missing unit ng municipal government na 88 bangkay at 10 bahagi ng katawan ang narekober simula ng tanghali kahapon.

Ayon kay Añora na 79 na bangkay ang natukoy, idinagdag na 65 na death certificates ang naisyuhan.

Dagdag pa  ni Añora, siyam ang nawawala, kabilang ang mga mang­gagawa na ihahatid sana pauwi nang mangyari ang landslide.

Dalawang bus, ilang bahay at isang barangay hall ang natabunan sa landslide sa Barangay Masara noong Pebrero 6.

Nabatid  naman sa Maco municipal disaster risk reduction and manage­ment council na 1,503 pamilya ang naapektuhan ng landslide.

Samantala, sa report naman ng Davao de Oro provincial veterinary office,  23 aso at 27 pusa na iniwan ng mga apektadong residente ang  nasagip na ngayon aynasa impound area sa bayan ng Mawab.

Tinataya naman ng  National Disaster Risk Reduction and Manage­ment Council (NDRRMC) na umabot na sa mahigit P1 bilyon ang pinsala sa agrikultura dahil sa northeast monsoon at trough ng low-pressure area sa Caraga at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

vuukle comment

LEA AñORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with