^

Probinsiya

Puganteng ex-Army ng Taiwan, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Puganteng ex-Army ng Taiwan, timbog
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang inaresto na si Li Chen Yu, 36-anyos, Taiwanese national.     
Bureau of Immigration, Republic of the Philippines/Facebook page

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang dating sundalo ng Taiwan Army na nahaharap sa kasong katiwalian sa kaniyang bansa, sa ikinasang operasyon kamakailan sa Cebu City.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang inaresto na si Li Chen Yu, 36-anyos, Taiwanese national.     

Dinakip si Li ng mga tauhan ng BI-Fugitive Search Unit at PNP-Cri­minal Investigation and Detection Group (CIDG) sa may Brgy. Banilad, Cebu City nitong nakaraang Huwebes.

Armado ang mga ope­ratiba ng Warrant of Deportation nang arestuhin si Li sa kanyang lungga sa Cebu City.  Inilagay na rin siya sa blacklist ng bansa.

Ayon sa Taiwan Economic and Cultural Office (TECO) sa Manila, may warrant of arrest ang suspek mula sa Taoyuan District Prosecutor’s Office sa Taiwan dahil sa kaso ng korapsyon.

Noong dating kapitan sa military dependent service division ng Taiwan 6th Army Command, inabuso umano ni Li ang kanyang posisyon nang pekehin nito ang mga lease contracts ng mga lupain na nakareserba sa mga dependents ng mga sundalo.

Ibinulsa umano ni Li ang mga upa at deposito sa mga pinauupahang lupain na aabot sa 4 mil­yong Taiwanese dollars o katumbas na US$128,000.

Dumating sa Pilipinas si Li para magtago noong Marso 8, 2020 at isa nang overstaying alien.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with