^

Probinsiya

Iskul, binulabog uli ng bomb threat

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Muling binulabog ng bomb threat ang isang pampublikong eskwelahan sa lungsod ng Dasmariñas kamakalawa ng tanghali sa Brgy. Pali­paran 3, Dasmariñas City, Cavite.

Dakong alas-12 ng tanghali nang makatanggap ng tawag ang pamunuan ng Dasmariñas Police Station muli sa guro na si Mark Anthony Diaz ng Paliparan 3 Ele­mentary School.

Sa salaysay ni Diaz sa pulisya, nang nasabing oras ay isang nagngangalang Ian Cubao ang nagpadala ng mensahe sa DepEd Tayo Paliparan III ES Facebook page na nagsasaad ng -- “I have planted 3 different bombs in grade 1-6 building and on grade 5 building ill give you 1 day. Tommorow will be ur school last. Day good luck.”

Agad na tumawag ng tulong ang mga guro sa pulisya na kaagad ring nagtungo sa nasabing eskwe­lahan kasama ang EOD (Explosive Ordnance Disposal) Cavite PPO at ininspeksyon ang bawat sulok at mga silid-aralan at lumabas na negatibo sa anumang uri ng bomba.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng follow up ang polisya upang matukoy ang pinagmulan ng nasabing bomb threat.

vuukle comment

BOMB THREAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with