^

Probinsiya

3 drug suspect, timbog sa buy-bust

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong drug suspect ang naaresto sa pinagsanib na puwersa ng Lucena City Drug Enforcement Unit, ­Quezon Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Branch at 403rd Maritime Police Station sa isang buy-bust operation sa 2 Parang, Barangay Market View, Lucena City, ka­makalawa ng madaling araw.

Base sa ulat ni Lt.Col.Ruben Ballera, Lucena City Chief of Police, nakilala ang mga suspek na sina Regie Verdera 38, alyas Kurimao, ng Purok Santol 1, Barangay Mayao Crossing; ­Richard Arthur Alba, 47 ng  Purok Pagsisikap, Barangay Gulang-gulang’ at Michael Yanga 37, ng Nangka St..Barangay Market View.

Sa buy-bust ­operation na isinagawa, alas-2:30 ng madaling araw ay narekober sa pag-iingat ng tatlo ang nasa 10.2 na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng aabot sa P208, 080.00

Nabawi rin ng mga otoridad buhat sa mga suspek ang P1,000 at sampung piraso ng P1,000 boodle money, na ginamit ng pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Kasong paglabag sa section 5 at 11 ng article ll, of RA 9165 ang kakaharapin ng tatlo, na ngayon ay nasa kustodiya na ng Lucena police station.

vuukle comment

DRUG BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with