^

Probinsiya

7 ‘Akyat-Bahay’ umatake: Indonesian, mga kasambahay at driver iginapos!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
7 âAkyat-Bahayâ umatake: Indonesian, mga kasambahay at driver iginapos!
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-5 ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng biktimang si Fendy Apriyanto, 29-anyos, supervisor ng POGO at residente sa Grand Centennial Homes ng nasabing barangay.
STAR / File

CAVITE, Philippines — Pinasok ng pitong hinihinalang kasapi ng “Akyat-Bahay Gang” ang bahay ng isang Indonesian national saka siya iginapos kasama ang kanyang mga kasambahay at driver bago nilimas ang mahahalagang ga­mit at pera nito, kamaka­lawa ng hapon sa Brgy. Magdalo-Potol, bayan ng Kawit, dito sa lalawigan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-5 ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng biktimang si Fendy Apriyanto, 29-anyos, supervisor ng POGO at residente sa Grand Centennial Homes ng nasabing barangay.

Lumalabas na habang nasa loob ng kanyang bahay ang biktima kasama ang mga katulong at driver nito nang biglang pumasok sa compound ng dayuhan ang mga suspek na pawang armado, nakasuot ng itim na jacket at long sleeve gray, naka-sumbrero at face mask habang lulan ng isang puting Toyota Hi-ace van, hindi nakuha ang plate number.

Agad na tinutukan ng mga suspek ang security guard na si Gilbert Tabbu Ango­luan, 34, na nakabantay sa gate ng bahay ng biktima saka tuluy-tuloy na pumasok sa bahay ng nasabing POGO supervisor.

Mabilis na iginapos ng mga suspek si Apriyanto, mga tauhan na sina Monares Dula Hermesito, 46-anyos, company driver;  Sandro Buena Sandrino, 36, driver/security; Crisanta Hito Tupas, 43, housekeeper;  Engelbert Cuizon Germanio, 38, driver at Jeanly Dianga Paquilit, 38, housekeeper.

Kasunod nito, nag­halughog at nilimas ng mga suspek ang lahat ng mahahalagang gamit sa loob ng bahay, kabilang na ang mga cellphone, IDs, isang Taurus caliber 9mm at malaking halaga ng pera  na hindi pa mabatid ang kabuuang halaga.

Kasalukuyan ng nagsasagawa ng dragnet ope­ration ang Kawit Police upang madakip ang mga suspek.

INDONESIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with