^

Probinsiya

Japanese lawyer, may pakana sa mga bomb threat

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Japanese lawyer, may pakana sa mga bomb threat
Nadiskubre ito matapos na muling makatanggap ng bomb threat ang Brgy. Tejeros Convention, Rosario, Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Nadiskubre ng awtoridad dito na ang Japanese lawyer na sinampahan ng kaso ang may pakana sa mga bomb threat sa iba’t ibang ahensya ng gobeyrno, kumpanya at establisimyento sa bansa, sa pamamagitan ng electronic mail (e-mail), kamakalawa.

Nadiskubre ito matapos na muling makatanggap ng bomb threat ang Brgy. Tejeros Convention, Rosario, Cavite.

Natukoy ng pulisya ang Japanese national na nahaharap sa patung-patong na kaso na si Takahiro Karasawa, nasa hustong gulang, Japanese national at abogado mula sa Steadiness Law Office.

Sa ulat, nakilala ang Hapones matapos na makatanggap muli ng tawag ang Admin Building ng Cavite Economic Zone Authority (CEZA) dakong alas-3 ng hapon sa Brgy. Tejeros Convention sa Rosario, Cavite hinggil sa diumano’y may bombang nakatanim sa nasabing pabrika.

Ayon kay Daisylyn C. Santos, secretary 1, nakatanggap siya ng e-mail message  hinggil sa bombang diumano’y itinanim sa kanilang pabrika at anumang oras ay sasabog.

Nabatid sa Rosario Municipal Police, may nauna na rin silang natanggap na mga bomb threat noong Setyembre at Disyembre, ng nakalipas na taon.

vuukle comment

BOMB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with